Inaresto ang limang lalaki matapos magbugbugan sa Wan Chai, Hong Kong noong Sabado, matapos umanong molestiyahin ang isang babae.

Nagsimula ang gulo noong ala-una ng umaga, matapos mag-usap ang 22-anyos na babaeng banyaga at ang 40-anyos na Filipinong security guard sa labas ng isang pub sa Luard Road sa Wan Chai. Minolestiya umano ang babae matapos silang daanan ng apat na South Asian na mga lalaki, iniulat ng Oriental Daily.

Pinigilan ng security guard ang pangmomolestiya, ngunit siya nama’y inatake ng apat na mga lalaki.

Naitigil naman ng mga pulis ang kaguluhan, at inaresto ang limang lalaki.

Ang mga inaresto ay isang Filipinong security guard, dalawang lalaking Pakistani at dalawang lalaking Indiano, na may mga edad na 24 hangggang 37 anyos. Isa sa mga lalaking Pakistani ay inaresto na rin sa reklamong indecent assault.

Original: Five arrested after street fight outside Wan Chai pub