Marami sa mga nakauwing Filipino galing ng United Arab Emirates ay nabiktima ng illegal recruitment, ayon sa Philippine Embassy sa UAE.

Ayon sa embahada, halos 1,198 ang napauwing Filipino ngayong taon, 821 ang nanirahan sa Embassy, habang 377 naman ang humingi ng tulong. Karamihan sa kanila ay biktima ng illegal recruitment.

Sa pinakahuling balita, halos 9 na Filipinang babae ang inalok ng trabaho sa Dubai gamit ang social media. Subalit, nang sila ay makarating na, sinabing walang trabahong naghihintay sa kanila ngunit may mga trabahong pwedeng pasukan sa Iraq.

Sinabihan ang mga babae na kailangan nilang magbayad ng US$3,000 (PHP159,000) para mapayagan silang makauwi. Ang Philippine Embassy sa Baghdad ay iniligtas ang mga nasabing Filipina at inaayos na ng mga opisyal ang mga kinakailangan para makauwi na sila ng Pilipinas.

Noong Martes, ayon sa Department of Foreign Affairs, ang huling grupo ng 97 Filipino na nasa ilalim ng three-month amnesty ay nakauwi na galing Dubai. Bawat balik-bayan ay makatatanggap ng tulong pinansyal na PHP 5,000 (US$93) pagkalapag ng Pilipinas.

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa UAE ang mga kababayang matagal ng naninirahan sa Gulf at iba pang umalis sa kanilang mga employer na gamitin ang amnestiya para maayos ang kanilang estado o para makauwi na pabalik ng Pilipinas.

Ang gobyerno ng UAE ay nag-aalok ng amnestiya hanggang ika-31 ng Oktubre lamang.

Original: Many repatriated Filipinos ‘victims of illegal recruiters’