Nanalo ang sampung migranteng mga manggagawa na nagtatrabaho sa iisang kumpaniya sa Dubai ng US$1M (o higit sa PHP53M) sa raffle ng Dubai Duty Free.

Si Gurmeet Singh, 38-anyos, isang Indiano na nagtatrabaho bilang isang showroom manager para sa isang car dealership, ay nakikilahok sa Dubai Duty Free na raffle nang isang taon na nang ‘di pa nakakapanalo, iniulat ng Khaleej Times.

Kinumbisi ni Singh angsiyam niyang katrabaho, na mga Indiano, Bangladeshi, at Filipino, na bumili ng ticket para sa Dubai Duty Free Millenium Millionaire at Finest Surprise draw, sa kasunduang hahatiin nila ang mapapanalunan kung sakaling sila’y manalo.

Noong Martes, inanunsiyo na ang ticket nila Singh at ng kaniyang mga katrabaho ay nanalo ng US$1M.

“Lagi kong pinaniniwalaang baling araw ay mananalo rin kami sa mga ganitong mga pagkakataon. Talaga namang puno ng surpresa ang Dubai Duty Free”, sabi ni Singh.

Noong Agosto, isang Filipinang domestic worker sa Dubai naman ang nanalo ng isang milyong dirhams (US$272,294) sa isang raffle na inorganisa ng isang UAE-based na foreign exchange company. Ang Filipina ang ikalawang taong mula sa Pilipinas na nakapanalo ng taunang raffle ng Al Ansari Exchange.

Original: Migrant workers scoop $1 million in Dubai raffle

Read: Filipino domestic worker wins 1 million dirhams in raffle