Inabisuhan na ng gobyerno ng Pilipinas na gumagamit na ang mga sindikatong mga sex-trafficker ng social media upang mambiktima ng mga babae na naghahanap ng mga work placement sa Malaysia, Singapore at sa iba pang mga bansa.

Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs noong Sabado, dalawampu’t pitong mga babae na ang napauwi matapos silang masagip mula sa isang sindikato na nakabase sa Johor Bahru, Malaysia. Sila’y pinauwi na sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur.

Sinabi ni Philippine Ambassador Charles C. Jose na sinagip ng mga pulis ng Malaysia ang mga babae noong nakaraang buwan sa isang raid sa apartment sa Johor Baru matapos na mapag-alamang nakabase ang mga sex-trafficker sa lugar. Naaresto ang isang Filipinong caretaker, ngunit nang kinalaunan ay pinalaya rin.

Sinabi ni Jose na ang mga babae ay ni-recruit mula sa Pilipinas upang magtrabaho bilang mga “promodizer” na magbebenta ng alak sa mga mamimili sa Singapore. Gayunpaman, kailangan rin nilang magbigay ng mga serbisyong sekswal kapalit ng mga komisyon.

“Ang mga babae ay kalimitang nirerecruit sa pamamagitan ng social media upang magtrabaho sa Singapore, ngunit sila’y sinabihan na sila’y papasok at lalabas ng bansa mula sa Malaysia at naroon lamang sila gamit ang kanilang mga tourist visa”, sinabi ni Jose.

Inabisuhan na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Filipino na nais mag-apply ng mga trabaho sa abroad na suriin muna ang Philippine Overseas Employment Administration at ang Department of Labor para sa mga job openings.

“Mayroong maraming mga kaso ng mga Filipinong naghahanap ng trabaho na mga nag-aapply sa mga ganitong mga online job offer ngunit natatali sa mga iba’t ibang bansa. Pinaaalalahanan po natin ang ating mga kababayan na magdalawang isip muna bago mag-apply sa mga samu’t saring mga trabaho abroad na mga iniaalok online”, sabi ni Cayetano.

Original: Sex syndicates using social media job offers to entrap women