Sinentensiyahan ang lalaking mula sa New Zealand ng apat na taon at anim na buwan na pagkakakulong matapos mapatunayang nagkasala sa pagbabayad sa live footage ng mga bata na inaabuso sa Pilipinas.

Noong nakaraang Setyembre, si Martin Henry Lawes, 75-anyos, ay inaresto bilang bahagi ng isang international child pornography operation na isinasagawa ng Federal Bureau of Investigation ng United States.

Dininig ng korte na nagbabayad si Lawes ng higit sa NZ$100,000 (o PHP3.6M) sa mga Filipinong mga matatanda upang magsagawa ng mga online sexual abuse sa mga bata, iniulat ng Philippine Lifestyle News.

Nakatagpo ang mga awtoridad ng New Zealand ng daan-daang mga litrato ng mga bata sa computer ni Lawes, ang iba pa’y pinaniniwalaang nasa edad tatlo pa lamang, nang i-raid nila ang kaniyang bahay noong Setyembre ng 2017.

Noong Agosto, napatunayang nagkasala si Lawes ng three counts of entering into a deal involving people under 18 for sex, one charge of being knowingly concerned in the importation of objectionable publications at one charge of possessing an objectionable publication.

Sabi pa ni Lawes na tinutulungan niyang makatakas ang mga bitikma mula sa kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng pera kapalit ng mga footage ng mga sexually abused na mga bata.

Noong ika-18 ng Setyembre sa High Court sa Auckland, sinentensiyahan si Lawes ng apat na taon at anim na buwang pagkakakulong.

Original: Millionaire jailed for paying to see Filipino kids abused

Read: Millionaire admits he paid to see children sexually abused