Ayon sa gobyerno ng Saudi Arabia, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita sa social media ukol sa paglalagay ‘di umano ng buwis sa mga pinapadala ng mga dayuhang manggagawa pabalik sa kani-kanilang mga bansa.

Sinabi ng Ministy of France noong Lunes na sinusuportahan nila ang malayang paggalaw ng mga capital gamit ang mga official channels habang sumusunod sa pandaigdigang batayan at patakaran, iniulat ng Arabian Business.

Noong Enero ng 2017, may mga balita na ring kumalat na sinasabing magpapataw ng buwis sa mga ipinapadala ng mga dayuhang manggagawa, ngunit itinanggi din ito ng Ministry of France noong taong ring iyon.

Ayon sa Ministy of France, mas nakabubuti sa ekonomiya at financial system ng Saudi Arabia ang pagbabawal ng buwis sa mga padala ng mga dayuhang manggagawa dahil magkakaroon ng tiwala ang mga foreign investor sa Saudi Arabia.

Sinasabi ng mga opisyal na ang pagbabawal ng buwis ay kasama sa tinatawag nilang Saudi Vision 2030, na may hangaring mas paliwigin pa ang ekonomiya at mas makaakit pa ng mga foreign investors ang bansa.

Ang Saudi Arabia ay mayroong halos 10 milyong dayuhang manggagawa at noong nakaraang taon, halos US$38 billion (o higit sa PHP2 trillion) ang naipadala pabaalik sa kanilang mga bansa.

Ayon naman sa gobyerno ng Pilipinas, mayroong halos 2 milyong mga Filipino ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Dahil rito, lumalabas na ang Saudi Arabia ang may pinakamaraming OFW na bansa saa buong mundo.

Ngunit ayon sa parliamentary financial and economic affairs committee ng Kuwait, inaprubahan na nito ang pagpapataw ng buwis sa mga ipinapadala ng mga dayuhang manggagawa noong Abril pa. Inaasahan na makakalikom ang Kuwait ng halos US$230M (o mahigit sa PHP12B) dahil rito.

Original: Saudi denies plan for fee on foreign worker remittances