Ang 23-anyos na Singaporean na esdutyante ng isang pamantasan ay ikinulong ng apat na linggo at pinagbawalan nang mamaneho ng limang taon matapos mapatunayang nagkasala sa pagkamatay ng 31-anyos na Filipino. Ang bikima ay isang pasahero ng Uber sa kotse ng nagkasala nang sila’y maaksidente noong Hulyo.

Ang inakusahang si Muhammad Khalis Muhammad Rizauddin, isang undergraduate na estudyante na nagme-major sa pagiging mechanical enginner sa Nanyang Technological University, ay nagtatrabaho bilang part-time na Uber driver. Nawalan siya ng control sa kaniyang sasakyan at bumangga, na naging dahilan ng kamatayan ng Filipinong business traveller na si Batocabe Jan Wendell Castilla, iniulat ng Shin Min Daily News.

Nang kinaumagahan ng Linggo, ika-9 ng Hulyo, matapos niyang mamaneho ng walang tigil ng limang oras, sinundo ng nagkasala ang biktima sa Changi Business Park. Ang biktima ay patungo sa simbahan  sa Chapel Road para sa misa sa umaga ng Linggo.

Dahil sa ulan, naging madulas ang daan, at nabangga sa isang puno ang sasakyan habang nagmamaneho umano si Rizauddin nang mataas nang kaunti sa speed limit.

Bilang resulta, nagtamo ang biktima ng malulubhang mga sugat sa ulo, at idineklarang patay nang matagpuan ng mga paramediko.

Sinabi ng nagkasala sa korte sa pamamagitan ng kaniyang abogado na nagsisisi siya sa pagkamatay ng kaniyang pasahero at humingi na ng tawad sa pamilya nito.

Si Rizauddin, na sa kasalukuyang nasa internship, ay sisimulan ang kaniyang sentensiya sa kulungan sa ika-3 ng Disyembre sa reklamong causing death by a negligent act. Hindi rin siya maaaring magmaneho sa susunod na limang taon.

Original: Fatal accident Uber driver jailed for 4 weeks