Ang video na ipinapakita ang isang babaeng amo na pinapagalitan ang isang domestic worker dahil binigyan nito ang kaniyang anak ng isang pirasong cookie sa isang pampublikong parke sa Tin Shui ay nagkaroon na ng dalawang milyong views sa social media.

Ang limang minutong video, na pinaniniwalaang kinuha rin ng isa pang domestic worker, ay ipinapakitang sinisigawan ang kaniyang trabahador sa Tin Chung Court sa New Territories noong gabi ng Biyernes, iniulat ng Oriental Daily. Sinabi ng amo na ayaw nang maghapunan ng batang lalaki dahil binigyan na siya ng maraming merienda ng kasambahay.

“You are the problem-maker”, sinabi niya sa mataas na tinig ng kaniyang boses habang dinuduro ang kasambahay. Ang kasambahay, na hinahawakan ang batang lalaki, ay sinusubukang magpaliwanag, ngunit pinagsalitaan ito ng amo ng “Don’t tell lie”, “and you still tell lie”.

Hindi isiniwalat ng report ang nasyonalidad ng domestic worker.

Ang mga reaksiyon online ay kalimitang nagpapakita ng galit sa amo, na ang karamihan ay sinasabihan siyang bastos at siya’y nag-overreact. Sinabi naman ng iba na hindi dapat niya dinisiplina ang domestic worker sa isang pampublikong lugar.

Original: Viral video shows maid being rebuked for giving boy a cookie