Dalawampung mga OFW sa Jeddah, Saudi Arabia ang pinalayas sa kanilang mga tinutuluyan sa kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan matapos nilang hindi pumasok sa kanilang mga trabaho dahil hindi pa umano ito mga pinapasahod.

Sinabi ng Philippine Department of Foreign Affairs sa isang pahayag na ang mga manggagawa ay nirecruit ng isang malaking Saudi recruitment agency at inilipat sa kanilang kasalukuyang kumpanya, at saka itinalaga bilang mga tagalinis ng mga ospital at mga residential homes sa Jeddah.

Gayunpaman, napag-alamang hindi pa rin pala ibinibigay ang kanilang sahod at ang kanilang food allowance nang dalawang buwan. Pagkatapos ay tinanggal ng kumpanya ang mga manggagawa mula sa kanilang company-provided na mga tinutuluyan.

Dinala sa kustodiya ng mga opisiyal ng Philippine Consulate sa Jeddah ang 20 mga Filipino, na ngayon na’y mga tumutuloy sa isang shelter na pinamamahalaan ng Philippine Overseas Labor Office.

Gumagawa na ng mga kaukulang aksyon ang POLO para sa mga pagpapauwi ng mga Filipino sa pakikipag-ugnayan sa isang recruitment agency sa Pilipinas.

Original: 20 Filipinos unpaid, kicked out of accommodation in Saudi