Dalawampu’t dalawang tao sa Western Visayas na kumain ng karne ng aso ay binakunahan ng anti-rabies matapos mamatay ang isa sa kanilang mga kasama dahil sa nasabing sakit.

Ayon kay Ronald Guillermo, ang nangangasiwa ng Cuartero Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa probinsiya ng Capiz, 23 mga Filipino ang nag-inom ng alak at namulutan ng karne ng aso noong buwan ng Agosto, iniulat ng Panay News. Isa sa kanila, ay nakilalang si Roberto Caballero, ay dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital sa posibleng mga inpeksyon ng rabies noong September 24. Siya’y namatay kinabukasan.

Matapos ang pagkamatay ni Caballero, ang natitirang 22 ay binakunahan ng dalawang batch ng anti-rabies sa Provincial Health Office. Ibinakuna ang unang batch noong September 26, at ang ikalawa naman ay noong September 28.

Sa Asya, ang Vietnam ang ikalawa sa pinakamalaking consumer ng karne ng aso sa buong mundo, bago ang China. Ipinaglalaban na ng mga animal-rights groups na ipagbawal na ang mga kalakaran ng mga karne ng aso sa mga bansang ito, kasama na rin ang Indonesia.

Original: 22 Filipinos given rabies vaccine after eating dog meat

Read: Dog meat infected with rabies found in Indonesian market

Read: Hanoi vows to eliminate all dog meat restaurants by 2021