Inabisuhan na ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pasahero tungkol sa mga pagbili ng mga ticket sa murang halaga sa mga social media. Ayon sa PAL, inaaakit ang mga tao na bilhin ang mga mumurahing mga ticket nang maramihan gamit ang mga social media sites tulad na lamang ng Facebook, iniulat ng The Filipino Times.

Nalaman na lamang ng mga bumili ng ticket na nakapangalan pala ang mga ito sa mga kathang-isip na mga tao lamang at ipinakita lamang ang mga peke ring mga identification card sa mga bumili papasok sa airport check-in.

Sinabi ni Rear Admiral Jorge Amba, ang head security ng PAL, na ang bilang ng mga pasaherong gumagamit ng pekeng identification documents ay tumaas noong mga nakalipas na mga buwan. Mula October 5, 68 na ang nahuhuli mula sa iba’t ibang airport sa Pilipinas.

“Nagsanay nang maigi ang aming mga airport front liners upang mahuli ang mga nagamit ng mga pekeng mga dokumento. Upang makaiwas sa hassle, at sa malalalang mga problemang legal, inaabisuhan na namin ang mga pasahero na sa PAL ticket offices na lamang sila bumili ng kanilang mga ticket, maaari rin naman sa mga accredited na mga travel agents”, sabi ni Amba.

Ang mga pasaherong mahuhulihan ng pekeng identification ay maaaring humarap ng kaparusahan sa ilalim ng dalawang batas, at makulong ng isang buwan dahil sa unang reklamo, at dalawa hanggang sa anim na taon naman sa ikalawang batas.

Original: Airline warns of fake ‘cheap’ tickets sold on social media