Nakatagpo ang isang mandaraan ng bangkay ng fetus sa isang plastic bag sa tambak ng basura sa isang kalsada sa Manila noong Huwebes ng umaga.

Naglalakad lamang si Domingo Dizon sa Claro M. Recto Avenue sa Manila nang makita niya ang bag sa tambak ng basura. Kinuha niya ito at nakita niyang naglalaman ito ng isang patay na fetus, iniulat ng GMA News.

“Nakita ko ang plastic bag sa tabi ng basurahan at nakita kong may laman pala itong fetus. Pinulot ko ito at nagtanong-tanong sa mga tao kung saan ang pinakamalapit na police station”, sabi ni Dizon.

Dinala ni Dizon ang fetus sa pinakamalapit na police station at ini-report ang insidente sa Manila Police District Station 11. Ayon sa mga pulis, ang fetus ay maaaring nasa ikalima o ikaanim nang buwan ng pagbubuntis.

Sinabi rin ng mga pulis na walang nakapuna kung sino ang nag-iwan ng sanggol. Dinala ang fetus sa isang funeral parlor matapos isagawa ng mga pulis ang kanilang paunang imbestigasyon.

Original: Lifeless fetus found in Manila trash pile