Nag-viral sa internet ang video na nagpapakita ng five-foot na cobra na nilululon ang isa pang ahas. Noong September 27, nakita ni Harish Chandra Parida ang ahas na namamahay sa ilalim ng drum ng bigas sa kanilang kusina sa Odisha, iniulat ng the Daily Mail.

Tumawag si Parida ng Snake Helpline para sa tulong at ipinadala ng organisasyon si Susant Behera. Matapos niyang daklutin ang cobra, sinimulan nang isuka o iluwa nito ang isang napag-alamang mas maliit na ahas.

Ayon kay Subhendu Mallik, ang General Secretary ng Snake Helpline, na ang mga reptile ay isinusuka ang kanilang mga pagkain sa tuwing sila’y nakararamdam ng panganib upang sila’y mabilis na makatakas. Ngunit, idinagdag niyang napakabibihirang mangyari na isuka ng isang cobra ang isa pang cobra.

Ang Indian Spectacled cobra ay isang cannibalistic na species o kumakain ng sarili nilang kauri, tulad ng ibang mga ahas. Kalimitan nilang binibiktima nito ang mga mas maliliit na mga mammal, mga daga, mga ibon, mga itlog o kaya naman ay ang iba pang mga reptile.

Original: Cobra caught on video regurgitating another snake