Nag-viral sa internet ang video na ipinapakita ang isang cobra na nagfi-fielding sa isang practice session sa Sri Lanka ng cricket team ng England.

Sumali ng team ang nakamamatay na ahas noong Lunes ng umaga sa isang practice facility sa Kandy, Sri Lanka, iniulat ng India Today, na nabulabog ang isang manlalaro ng England. Ipinakita sa isang video footage ang mga groundmen – na walang suot na mga gloves o pads ng mga wicketkeeper – na gumagamit ng mga tubo at kahoy upang tanggalin ang reptile sa field.

Ishinare ng team ng England ang video sa kanilang Twitter page, na sinabing dumating ang isang “surprise visitor”.

Kinalaunan ay nailagay rin ang ahas sa isang puting sako. Ayon sa Independent, wala nang impormasyon ukol sa nangyari sa cobra matapos itong kunin. Ngunit, malamang ay hindi na rin ito makababalik pa.

Ang ilang mga breed ng mga cobra ay mayroong sapat na neurotoxin venom upang makapatay ng 80 mga katao, ngunit ang “surprise visitor” na ito ay maaaring nakapagbigay pa ng swerte sa team ng England. Noong Miyerkules, tinalo ng England ang Sri Lanka ng pitong wickets sa ikatlong One Day International.

Original: England cricket team stumped by cobra in Sri Lanka