Dinala sa kustodiya ang dalawang Filipinang domestic worker matapos tanggihan ng mahistrado ang pagpapiyansa sa mga reklamo sa kanilang pananakit at pag-atake sa Kowloon City Magistrate’s Court noong Miyerkules.

Tinanggihan ng mahistrado ang pagbibigay na lamang ng piyansa sa mga nasasakdal na sina Priscilla Salazar, 48-anyos at Belinda Fajardo Anastacio, 34-anyos, dahil sa kalalaan ng mga reklamo sa kanila at mga malalakas na mga ebidensiya laban sa kanila, iniulat ng sunwebhk.com. Dagdag pa ng mahistrado na mawawalan na sila ng matutuluyan sa Hong Kong dahil balak nang i-terminate ng kanilang mga amo ang kanilang mga kontrata.

Nag-away ang mga nasasakdal noong Lunes sa isang luxury apartment sa Harbourside, isang luxury residential complex sa Yau Ma Tei, Kowloon, habang umalis ang kanilang mga amo upang mga magbakasyon sa Thailand.

Dininig ng korte na sinampal ni Anastacio si Yra sa mukha at nagsabunutan ang dalawa. Habang ang dalawa’y nagbabanatan, nakakuha si Anastacio ng tasang ceramic at inihataw ito sa kanang kamay ni Yra, ayon sa prosecutor.

Nakakuha naman si Yra ng isang kettle na may lamang mainit na tubig at isinaboy ito kay Anastacio, na lumaplos sa dibdib at kaliwang kamay nito. Dinala ang dalawa sa ospital upang magpagaling.

Nag-apply ang mga abogado ng dalawa ng pagpapiyansa. Sinabi ng abogado ni Yra na mayroon lamang HK$80 (PHP627) sa pitaka nito, ngunit maaaring manatili sa boarding house ng kaniyang employment agency kung saka-sakaling pagbigyang magpiyansa na lamang.

Si Yra, na simula pa 2013 na nagtatrabaho sa Hong Kong, ay nakipaghiwalay na sa kaniyang asawa 14 na taon na ang nakalilipas at mayroong dalawang anak na babae na pareho na ring kasal na.

Samantala, sinabi ng abogado ni Anastacio na kayang magpiyansa ng kaniyang kliyente ng HK$1,500 at handa namang isuko ang kaniyang passport at manatili sa boarding house ng kaniyang agency.

Halos dalawang taon pa lamang nananatili ang manggagawa sa Hong Kong at mayroong itong malinis na record. Sinusuportahan niya ang kaniyang mga magulang at anak sa Pilipinas.

Ini-adjourn na ni Magistrate Woo Huey-fang ang pagdinig hanggang October 31, at sinabi sa mga nasakdal na bumalik na lamang matapos ang walong araw para sa kanilang bail review.

Original: Two domestic workers involved in fight may lose jobs

Read: Domestic workers arrested after fighting in apartment