Noong October 13, nahuli ang 15-feet na cobra at pinakawalan rin sa wild sa Bhatkal Taluka, isang bayan daungan sa distrito ng Uttara Kannada ng estado ng South India ng Karnataka.

Natagpuan ng mga residente ang ahas na nakasalampak sa kalsada malapit sa isang tigilan ng bus sa Marukeri Village ng Bhatkal Taluk, iniulat ng bhatkallys.com. Kahit na sa hindi paggalaw ng cobra, nagpanik pa rin ang mga mandaraan at tumawag ng mga forest officer.

Dahil sa laki ng reptile, tinawag rin ng mga officer ang snake catcher na si Naufil Kharuri, na nahuli ang cobra at kinalaunan ay pinakawalan rin ito sa wild. Ayon sa isang forest officer, ang cobra ang isa sa mga pinakamalaking ahas na nahuli sa Bhatkal Taluk.

Ang cobra ay isa sa mga “big four” na mga hayop na nagiging sanhi ng mga tuklaw ng mga ahas sa subcontinent ng India, kasama ang common Krait, Russell’s Viper at ang saw-scaled Viper. Madaling makatatagpo sa India ng multivalent na antidote na makokontra ang kamandag mula sa “big four” na mga ahas.

Original: Large cobra rescued in southern India port town