Sinaksak ang dating OFW ng kaniyang sariling anak na lalaki sa kanilang bahay sa western Visayas sa Pilipinas.

Noong gabi ng Lunes, si Bartolome Tumlos, 65-anyos, na dating nagtatrabaho sa abroad at kasalukuyang nagtatrabaho bilang magsasaka sa Pilipinas, ay nagkaroon ng pagtatalo sa kaniyang anak na lalaki na si Arnel sa kanilang bahay sa Barangay Tuburan, Maayon, iniulat ng The Daily Guardian.

Ayon sa mga kapitbahay, narinig nilang nagtatalo ang ama at ang kaniyang anak mula sa kanilang bahay. Sinabi ng isang kapitbahay na si Rochelle Javila, na kahit naririnig na niyang humihingi ng tulong si Tumlos, walang dumulong sa kaniyang tawag ng saklolo.

Natagpuan ang bangkay ni Tumlos kinaumagahan sa palayan sa harap ng kanilang bahay. Nagtamo siya ng mga malalalang mga saksak. Sumuko naman ang anak ni Tumlos sa mga pulis.

Ayon sa mga paunang imbestigasyon ng mga pulis, mayroon umanong sakit sa pag-iisip ang suspek, na maaaring naging sanhi ng pag-atake.

Original: Ex-migrant worker stabbed to death by his son