Noong Miyerkules, pormal nang inanunsiyo ng Bahrain Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang programa na magpapahintulot sa Philippine Embassy sa Manama na makakuha ng mga dalawang buwang visa para sa mga dating ‘di dokumentadong mga OFW, iniulat ng Philippine News Agency.

Pahihintulutan ng visa ang mga ‘di dokumentadong mga Filipino na makahanap ng trabaho at ang kanilang pananatili sa Bahrain ay magawang legal at dokumentado. Ayon kay Sarah Lou Arriola, ang DFA undersecretary, gumawa na ang Bahrain ng mga reporma para sa mga sponsor-less na mga work permit, pati na rin sa legal, operational at social na mga aspeto ng mga domestic worker.

“Sa aming palagay, ang mga repormang ito ang pinakaprogresibo sa mga bansang kasama sa Gulf Cooperation Council, at makapagbibigay ito ng malaking pag-asa para sa mga nagmula sa bansang Pilipinas na tunay na darating na ang malaking pagbabago sa rehiyon na iyon”, sinabi ni Arriola.

Ayon sa DFA, mayroong nasa 60,000 na mga Filipino ang nananatili sa Bahrain, at mayroong tinatayang 2,200 ang mga ‘di dokumentado.

Original: Undocumented Filipinos to get Bahrain visas to seek work