Nanawagan ng tulong ang Filipinong domestic worker sa Saudi Arabia matapos niyang akusahan ang kaniyang amo ng pangmomolestiya sa kaniya. Ang babae, na nakilala lamang sa pangalang Hilda, ay ivinideo ang pananamantala gamit ang kaniyang cellphone at isinend niya ito sa kaniyang pinsan na si Sarah, iniulat ng GMA News.

Ayon sa pinsan, nagtatrabaho si Hilda sa kusina nang bigla na lamang lumapit ang kaniyang lalaking amo at hinipuan siya nito. Saglit na umalis ang amo nang tawagin siya ng kaniyang misis, na nakapagbigay ng oras kay Hilda na iset up ang kaniyang cellphone. Ayon kay Hilda, madalas siyang hipuan ng kaniyang amo at alam niyang ito’y babalik.

Ipinakita ni Hilda ang video sa misis ng kaniyang amo, ngunit nagalit lamang ang misis at pinagbantaan pang sasaktan siya nito kung hindi nito buburahin ang video. Binalaan rin siya ng kaniyang amo na huwag makipag-ugnay sa mga pulis.

Nang matanggap ni Sarah ang video, nakipag-ugnay siya sa mga Filipino migrant worker advocate groups, at sa mga opisiyales ng Pilipinas sa Saudi Arabia. Ipinarating na ni Consul General Edgar Badajos ang kaso ni Hilda kay Vice Consul Von Ferrera ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia.

Original: Domestic worker takes video of employer molesting her