Isang OFW ang napag-alamang nagpatiwakal sa Jizan, Saudi Arabia.

Ayon sa Philippine Consulate sa Jeddah, nagbigti ‘di umano ang 40-anyos na domestic worker sa bahay ng kaniyang amo sa Jizan Province, na mahigit na 600 km sa timog ng Jeddah, noong September 26, iniulat ng Manila Bulletin.

Sinabi ni Edgar Badajos, ang Consul General ng Philippine Consulate General sa Jeddah, na ang domestic worker ay isang ina na hiwalay sa kaniyang dalawang anak.

Sinabi ni Badajos na mayroon nang isang team mula sa Consulate ang kasalukuyan nang nangangalap ng impormasyon ukol sa mga pangyayari na humantong kaniyang pagkamatay.

Nakipag-ugnayan na ang Consulate sa pamilya ng domestic worker at tutulong upang mapauwi na ang mga labi ng babae patungong Pilipinas.

Hindi nabanggit ng balita ang pagkakakilanlan ng domestic worker.

Original: Domestic worker hangs herself in Saudi Arabia