Inakusahan ang domestic worker sa Dubai ng kaniyang babaeng amo ng pagsasagawa ng pangkukulam.

Iginiit ng Arabiana na nangongolekta ‘di umano ang domestic worker ng mga hibla ng kaniyang buhok at ng kaniyang anak at mga retaso ng mga damit upang makapaglagay ng sumpa sa kaniyang pamilya, iniulat ng Khaleej Times.

Inakusahan rin ng amo ang domestic worker ng pagtatago ng cellphone na naglalaman ng mga litrato ng kanilang pamilya at sa pagbabahagi ng mga litrato na ito at iba pang mga impormasyon sa kaniyang mister.

Nagsampa ng kaso ang babaeng amo sa Dubai Police at sinabing nagtatago rin ang domestic worker ng iba pang mga mahahalagang mga kagamitan, tulad ng relong nagkakahalaga ng 25,000 dirhams (PHP367,800), 8,000 dirhams (PHP117,700) na salapi at mga alahas na nagkakahalagang 9,000 dirhams (PHP132,400).

Habang tinatanong ng police ang domestic worker, inamin nito na nagnakaw nga siya ng 6,000 dirhams (PHP88,300) dalawang buwan na ang nakalilipas at ipinadala ang perang ito sa kaniyang pamilya. Ngunit, itinanggi niya ang mga paratang ng kaniyang amo na nagsasagawa siya ng pangkukulam.

Isinumite ang kaso sa opisina ng Dubai Public Prosecution para sa mga karagdagang paglilitis.

Original: Domestic worker in Dubai accused of sorcery