Nakumpirma ng mga pulis sa Hong Kong na inaresto ang isang sinuspindeng Filipinong barrister noong Agosto dahil sa kaniyang pagiging sangkot ‘di umano sa isang job scam na nangbiktima na ng daan-daang mga Filipino sa Hong Kong, dalawang taon na ang nakalilipas.

Kinumpirma ng mga pulis na ang 56-anyos na si Ody Lai Puk-yim ay inaresto noong August 30 sa Hong Kong International Airport dahil sa panloloko umano at sa kaniyang money laundering nang siya’y umuwi mula sa kaniyang pamamasyal sa Manila, iniulat ng sunwebhk.com.

Pinayagan si Lai na magpiyansa na lamang at inutusang magsumbong sa pulis noong kalagitnaan ng Oktubre habang iniimbestigahan pa ang mga reklamong isinampa sa kaniya.

Sinabi ni Consul Paulo Saret, ang head ng consulate’s assistance sa national’s section, na ang kondisyon ng pagpapapiyansa ni Lai ay hindi siya maaaring lumipad palabas ng Hong Kong nang walang permiso sa mga pulis.

Sinususpetsahan si Lai sa pagiging sangkot sa pagre-recruit ng nasa 600 mga Filipino sa Hong Kong, Macau, at sa Pilipinas para sa mga ‘di makatotohanang mga trabaho sa Britain at Canada noong 2016.

Napag-alamang nagbayad ang bawat domestic worker ng processing fee na HK$10,000 hanggang HK$15,000 (PHP78,500 hanggang PHP117,500) sa isang 65-anyos na Filipina na si Ester Ylagan, ang co-owner ng nagsarang Emry’s Service Staff and Employment Agency.

Si Ilagan ay kaibigan ni Lai at naaresto rin noong Hunyo ng taong ring ito sa Hong Kong. Sinuspetsahan rin ang dalawang babae ng pagiging sangkot sa pagta-transfer ng HK$10 M sa iba’t ibang mga bansa na kasing layo ng Malaysia, Turkey at Burkina Faso sa isang transaksiyon.

Napag-alamang nahalungkat ng mga abogado ang mga dokumento ng mga transfer nang imbestigahan nila ang recruitment scam, at ibinigay na lamang ang mga ito sa mga pulis.

Original: Filipina arrested for alleged fraud, money laundering