Kinilala ang isang 57-anyos na Filipinang domestic worker sa 2018 Singapore Patient Action Awards dahil sa kaniyang wagas na pagmamahal at pag-aalaga sa anak na babae ng kaniyang amo, na mayroong Down syndrome at iba pang mga chronic na mga karamdaman.

Nagsimulang magtrabaho si Cristina F. Talastas, na dumating sa Singapore noong 1992, para sa kaniyang among si Florence Lim noon pang 1999.

Isa itong taon na hindi kailanman makalilimutan ni Talastas. Sa maiksing panahon, kinuha na niya ang mga pagsubok sa pag-aalaga ng bagong panganak na sanggol na babae ng kaniyang amo matapos sumakabilang buhay ang mister nito, ayon sa isang interview ng Shin Min Daily News.

Noong Marso ng 1999, sinabi ni Talastas sa kaniyang mister na tatapusin niya ang kaniyang career bilang isang domestic worker sa Singapore kapag sumapit na ang Disyembre upang siya’y makauwi sa kaniya kasama ang kanilang tatlong mga anak.

Matapos ng dalawang buwan, at limang buwan sa pagbubuntis ni Lim, na-diagnose ang fetus na mayroong Down syndrome; ang babaeng sanggol na si Nadine, na ipinanganak noong August 8, ay kinailangan ng heart surgery noong siya’y isang buwang gulang pa lamang.

Matapos lamang ng mga ilang linggo, namatay ang mister ni Talastas noong September 25, na naging sanhi ng biglaang pag-uwi ng Filipina upang asikasuhin ang pagpapalibing nito. Ngunit, sa sobrang pag-aalala niya kay Nadine, lumipad muli siya pabalik ng Singapore matapos lamang ng apat na araw.

At simula noon ay naging caregiver na ni Nadine si Talastas simula pa noong siya’y ipinanganak.

Bago maglimang taong gulang si Nadine, kailangang pakainin ito gamit ang isang feeding tube, na kailangan ni Talastas na ipasok ito araw-araw. Ipinaghahanda niya si Nadine ng mga dinurog na gulay, kanin, at iba pang mga simpleng pagkain.

Noong 2001, upang maalagaan si Nadine, nakumpleto ni Talastas ang siyam na buwang nursing aide na course.

Matapos magsama ng mahigit sa 20 taon, halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa, at nakakapag-usap na gamit ang kanilang kakaibang sign language.

Sinabi ng Filipina na ipinapanalangin niyang sana’y maging independent na rin si Nadine balang araw.

Original: Filipina cares for employer’s ill daughter for 20 years