Isang Filipina na patungo na sa Dubai ay nabiktima ng isang manloloko na kinuha ang kaniyang passport sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Manila.

Noong September 23, nakipagkita ang Filipina sa suspek na nakilalang si Joseph Pascasio, na hinihingi ang passport ng Filipina kapalit ang PHP500. Sinabi ni Pascasio sa Filipina na tutulong ang isang taong mula umano sa isang travel agency, inulat ng Khaleej Times.

Nang kinalaunan, nakipag-ugnay ang Filipina kay Pascasio, na nagsabing kailangan ng Filipina na magdeposito ng PHP3,000 sa isang padalahan upang makuha nito ang kaniyang passport. Ngunit, dahil hindi niya kayang magdeposito ng pera, hindi na niya nasakyan ang kaniyang flight patungong Dubai.

Inireport ng Filipina ang insidente sa Airport Police Department, na inaresto si Pascasio noong September 25. Ayon sa mga pulis, kilala nang manloloko si Pascasio na ilang beses na ring nakulong sa pambibiktima ng mga pasahero sa airport.

Nakuha ng mga pulis ang passport ng Filipina at nakatagpo pa ng shabu sa bag ni Pascasio. Sasampahan si Pascasio ng kasong theft, drug possession at illegal seizure.

Original: Filipina duped by swindler in Manila airport