Namatay ang Filipina matapos siyang bugbugin ng kaniyang Swedish na mister sa Kista, Sweden noong Linggo, September 23. Pinatay si Mailyn Conde, 28-anyos, ng kaniyang mister na si Steve Abou Bakr Aalam, 50-anyos, isang Swedish na actor at direktor, sa loob ng kanilang bahay sa Stockholm, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pahayag.

Namatay si Sinambong sa kaniyang mga sugat at umamin naman ang mister nito sa krimen na ginawa niya at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ng Sweden. Nag-iwan si Sinambong ng dalawang anak edad apat at sampu.

Tutulong ang Philippine Embassy sa Oslo, Norway sa pagpapauwi ng mga labi ni Sinambong sa Pilipinas. Ayon sa Consul General na si Ma. Elena Algabre, tutulungan nila ang tiyahin ni Sinambong na naninirahan sa Norway, na magkalap pa ng mga impormasyon ukol sa pagkamatay ni Sinambong mula sa mga pulis.

Inutusan na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang Office of Migrant Workers Affairs, ang embahada sa Oslo, at ang DFA Consular Office sa Cebu na mas ipadama pa ang lahat ng posibleng tulong sa pamilya ni Sinambong at siguraduhing mabigyan sila ng hustisya.

Original: Filipina beaten to death by her husband in Sweden