Nasugatan ang 41-anyos na Filipinong domestic worker habang siya’y naglilinis ng kotse ng kaniyang amo sa Happy Valley sa Hong Kong noong Martes.

Noong 9:18am, ang manggagawang may apelyidong Midriano, ay naglilinis ng kotse sa isang paradahan sa Broadwood Road kung saan bigla na lamang bumangga ang isang sasakyan dito, iniulat ng sunwebhk.com, na base sa sinabi ng isang police spokeswoman. Tumilapon ‘di umano si Midriano, ngunit nanatili itong may malay.

Isinugod siya sa Queens Mary Hospital sa Pok Fu Lam kung saan nakausap niya ang kaniyang amo. Iniimbestigahan na ng mga pulis ang kaso ngunit hindi sinabi kung mayroon bang naaresto.

Ang sasakyang nakaaksidente ay isang Jaguar sport utility vehicle. Matapos ang aksidente, nakita sa social media ang mga litrato ng biktima na nakasalampak sa lapag ng paradahan na tinutulungan ng mga emergency worker.

Ayon sa batas ng Hong Kong, ang paglilinis ng kotse sa labas ng bahay ng amo ay maituturing na gawaing bahay.

Original: Filipina injured while cleaning employer’s car in Hong Kong

Read: Indonesian maid dies after being hit by falling tree branch