Tinulungan ng Filipina ang Indones sa isilang ang kaniyang sanggol matapos mag-emergency landing ng kanilang eroplano na dapat patungong Indonesia sa Muscat International Airport.

Noong Sabado ng umaga, ang babaeng Indones na si Fitri Gusnawati, 20-anyos, na nagtatrabaho bilang isang domestic worker sa Morocco, ay pauwi na patungong Lombok, Indonesia nang pumutok ang kaniyang patubigan, na naging sanhi ng pag-emergency landing ng kanilang eroplanong sinasakyan sa Muscat International Airport sa Oman, iniulat ng Khaleej Times.

Matapos lumapag ng kanilang eroplano sa Muscat airport, dalawang babae, isang Filipina at isang Malaysian, ang tumulong kay Gusnawati na isilang ang kaniyang lalaking sanggol sa lapag ng plane galley. Matapos ay dinala si Gusnawati at ang kaniyang bagong silang na sanggol sa Royal Hospital.

Ayon kay Gusnawati, iniwan niya ang Indonesia para sa Morocco noong Hunyo, ngunit hindi niya alam na siya na pala’y buntis. Sinabi ng isang maternity unit nurse sa Royal Hospital na 32 hanggang 35 linggo nang buntis si Gusnawati.

Ang babaeng Indones ang naging pinakaunang babaeng nanganak sa Muscat International Airport.

Original: Filipina helps woman deliver baby in Muscat airport