Pinaghahahanap na ng mga pulis sa China ang isang Filipinong domestic worker na umalis ng kaniyang tour group sa Shenzhen, China, noong Oktubre. Sumali si Angeline C. Curato, isang domestic worker sa Macau, ng isang grupo ng mga OFW mula sa Hong Kong sa isang one-day tour ng Shenzhen noong October 14, Linggo at day-off ni Curato, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Ayon kay Steven Xu, director ng isang travel agency business, sumali si Curato sa tour group gamit ang visa ng agency group, ngunit tumakbo palayo ng grupo ng mga oras ng pananghalian nang hindi nagpapaalam ‘ni sa kaniyang mga ka-miyembro o sa kahit na sa tour guide.

Nang malaunan ay napag-alaman nilang sumakay si Curato ng taxi, at umalis sa restaurant.

Sinabi ni Xu na agad nilang inireport ang pangyayari sa Philippine Consulate General sa Guangzhou dahil sa oras na mahuli si Curato, maaari niyang harapin ang tatlong buwang pagkakakulong.

Sinabi rin niyang dahil sa ginawa ni Curato, kinailangan ng kaniyang mga kapwa Filipino sa tour group na “maghintay ng limang oras na imbestigasyon ng China immigration” bago sila makabalik sa HK.

Dagdag pa ni Xu na ang amo nito sa Macau ay pinaghahahanap rin ito dahil hindi rin sila pinagsabihang magtutungo ito sa mainland China.

Samantala, ayon kay Xu, nago-offer ang kumpanya ng HK$10,000 hanggang HK$20,000 (PHP68,500 hanggang PHP137,000) sa kung sino man ang makapagbigay impormasyon sa kinalalagyan ni Curato.

Original: Police search for Filipina domestic worker missing in China