Isang 42-anyos na Filipino ang nagpakamatay sa isang apartment sa Mong Kok ng Kowloon noong Linggo. Natagpuang nagbigti ang lalaki ng kaniyang nobiya sa kaniyang apartment, at hindi sinususpetiyahan ng mga pulis ang foul play.

Noong alas-7 ng umaga, ang 27-anyos na Filipinang nobiya ng lalaki, na mayroong identity card ng Hong Kong, ay bumalik sa apartment sa 913 Canton Road sa Mong Kok kung saan natagpuan niya ang kaniyang nobiyong nagbigti sa kusina gamit ang mga tali ng aso, iniulat ng Oriental Daily.

Tinanggal ng babae ang mga tali at tumawag ng mga pulis. Dumating ang mga pulis at mga paramediko at isinugod ang lalaki sa Kwong Wah Hospital kung saan siya’y idineklarang patay na.

Hindi nakatagpo ang mga pulis ng suicide note, at matapos ang paunang imbestigasyon, tinanggal na sa mga posibilidad ang foul play. Napag-alamang mayroong problema ang lalaki sa kaniyang trabaho at relasyon, at iimbestigahan ng mga pulis ang tunay na sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Mayroong 24-oras na multilingual suicide prevention hotline ang The Samaritans sa +852 2896 0000 at maaari ring mag-email sa jo@samaritans.org.hk

Original: Filipino man commits suicide in Hong Kong apartment