Tinutulungan na ng gobyerno ng Pilipinas ang 21 mga Filipinong seaman na inabandona ng kanilang amo sa isang port sa southeastern India higit sa tatlong buwan na ang nakalilipas.

Nakasakay ang mga Filipino sa kanilang barko, na isang Liberian-flagged bulk carrier, nang iwan sila ng kanilang Greek na amo at ang isa pang vessel sa Kakinada port sa India noong Hunyo, iniulat ng The Filipino Times.

Na-stuck na ang mga mandaragat sa barko ng higit na sa tatlong buwan at sila na’y humingi na ng tulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sila na’y mapauwi na sa Pilipinas at sa pagkuha ng kanilang mga ‘di pa nababayarang mga sahod mula sa kanilang amo.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na inutusan na nila ang Philippine Embassy sa New Delhi na tulungan na ang mga na-stranded na mga lalaki. Matapos niyang mapag-alaman ang ukol sa sitwasyon noong Biyernes, inutusan na ni foreign affairs secretary Alan Peter Cayetano ang embahada na magpadala ng mga Consular officer sa Kakinada port.

Inutusan rin ni Cayetano ang DFA Office of Migrant Affairs na humingi ng tulong mula sa Philippine Overseas Employment Administration upang masigurado na ang kumpanya sa Manila na tumanggap sa mga seaman ay tutulong sa kanilang mga pagpapauwi at babayaran ang kanilang mga nagkulang na sahod.

Original: Filipino crew stuck aboard ship in Indian port for 3 months