Namatay ang 11-anyos na babaeng gymnast matapos siyang mabangga ng isang kotse sa Greater Manchester, England. Noong mga 3:30pm ng October 1, patungo na si Marianne Haboc sa kaniyang eskwelahan sa bayan ng Rochdale nang nangyari ang insidente. Sa kabila ng pagsusumikap ng mga paramedikong masagip siya, idineklara siyang ‘dead on the spot’, iniulat ng Rappler.

Inaresto ng pulis ang 33-anyos na babae sa suspetsang pagiging sanhi ng pagkamatay ng bata dahil sa kaniyang delikadong pagmamaneho. Ngunit, pinalaya rin ang babae dahil sa kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ang insidente.

Sinabi ni Ambassador Antonio Lagdameo na nakikipag-ugnay na ang Philippine Embassy sa London sa pamilya ng batang babae ngunit hindi sa mga lokal na mga awtoridad o sa mga Filipino community para sa mga pagbabago sa kaso.

“Lubos na nakikiramay ang embahada sa pamilya ni Marianne. Hinihikayat namin ang Filipino community sa United Kingdom na tumugon sa pamilya ng Haboc upang magbigay ng suporta sa mga ito”, sinabi ni Lagdameo.

Miyembro si Marianne Haboc ng Rochdale Olympic gymnastics Club at nasa huling taon na sa St. Patrick’s Primary School.

Original: Filipino gymnast, 11, killed in car crash in UK