Nailigtas ang Filipinong mangingisda sa Sulu Sea matapos siyang tumilapon mula sa kaniyang bangka at nagpalutang-lutang kasama ang mga labi ng kaniyang bangka ng mahigit sa 20 araw.

Noong September 28, namangka si Arnel Percho, 32-anyos, mula sa Bayawan, Negros Oriental sa Pilipinas, kasama ang iba pang mga mangingisda sakay ng kanilang mga bangka nang sumalubong sa kanila ang mga alon na dala ng sama ng panahon, na nakapagpatilapon kay Percho mula sa kaniyang bangka, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Nang pumaibabaw na sa tubig muli si Percho, hindi na niya nakita ang iba pa niyang mga kasama. Kumapit na lamang siya sa kung ano pang mga natira sa kaniyang bangka at nagpalutang-lutang ng mga ilang araw, at nabuhay lamang sa damong-dagat at tubig-ulan.

Noong Linggo, nakita ng mga sundalong nangingisda si Percho at iniligtas ito mula sa dagat ng Sulu. Dinala si Percho sa Busbus, isang barangay sa Jolo, at ipinagkatiwala na sa Joint Task Force Sulu.

Makababalik na si Percho sa Negros Oriental sa Martes ng gabi.

Noong September, isang 19-anyos na binatilyong Indonesian ang nailigtas malapit sa Guam matapos magpalutang-lutang ng 49 na araw sa dagat sakay ng isang fish trap na may ‘di karamihang supply. Habang siya’y nasa dagat ng anim na linggo, higit sa 10 barko ang dumaan na ‘di tumigil upang tulungan siya.

Nailigtas rin ang binatilyo ng isang vessel na may ng bandila ng Panama, ang Arpeggio, sa karagatan ng Guam.

Original: Filipino fisherman rescued after 20 days at sea

Read: Indonesian teen survives 49 days adrift in a fishing hut