Nawalan ang seaman ng higit sa PHP600,000 sa isang babaeng nakilala niya sa social media na inakala niyang karelasyon na niya.

Ang biktima, na si Frederick Egea, 23-anyos, ay nakipagkilala sa isang babae sa Facebok na nagngangalang Joana Mae Cruz noong Hunyo ng 2017 at agad niyang minahal. Nagpadala si Egea sa mga ginugusto ni Cruz, at pinadadalhan siya ng pera sa tuwing siya’y hihiling rito, iniulat ng Rappler.

Habang sila’y magkalaguyo mula Hunyo ng 2017 hanggang Setyembre ng 2018, nagpadala na si Egea ng mahigit sa PHP600,000 kay Cruz, na sinabi sa kaniya na ang pera ay gagamitin ‘di umano para sa mga tuition fees, mga regalo at mga pangpersonal na kagamitan.

Si Egea, na nagtatrabaho sa isang barko, ay ginustong makaharap nang personal si Cruz kapag ito’y pumalaot na sa Pilipinas.

Nang makauwi na si Egea noong September 5, nagrason na lamang nang nagrason si Cruz upang hindi sila magkita, at makalipas ng ilang araw, nadiskubre ni Egea na peke pala ang Facebook profile ni Cruz.

Ang tunay na identidad pala ni Cruz ay Angelica Miguel, 21-anyos, na ginamit ang mga larawan ng isang Angelica Calanog, 20-anyos, para sa kaniyang pekeng profile. Umamin si Miguel kay Egea, ngunit nagsabi rin na bayaran siya umano ni Egea ng PHP26,000 upang maiwasang “may masamang mangyari” kay Calanog.

Sumang-ayon naman si Egea na bayaran ito, ngunit kung personal niya itong iaabot kay Miguel. Nang sila’y magkita sa isang mall sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, inaresto si Miguel ng mga naka-undercover na mga pulis. Naaresto rin ang anim pa niyang mga kasabwat.

Sasampahan si Miguel ng mga kasong robbery, swindling, at identity theft.

Original: Filipino seaman conned out of $11,000 in online ‘love scam’