Itinanggi ng gobiyerno ng Pilipinas ang mga balitang mayroong ikalawang Filipinang sinentensiyahan ng parusang kamatayan dahil sa drug smuggling sa Indonesia.

Kamakailan lamang ngayong linggo, sinabi ng Philippine Ambassador para sa Indonesia na si Leehiong Wee na ang Filipina sa Semarang, Central Java, ay nasa death row na dahil sa mga pagkakasala sa mga kasong ukol sa droga. Hindi na nagbigay ng iba pang mga detalye si Wee dahil ayon sa kaniya, kamakailan lamang niya ito napag-alaman, iniulat ng GMA News.

Ngunit, nilinaw ng Philippine Embassy sa Indonesia noong Miyerkules na ang Filipina sa Semarang ay sinentensiyahan na ng habang buhay na pagkakakulong pitong taon na ang nakalilipas.

“Sinentensiyahan na ang Filipina sa Semarang ng habang buhay na pagkakakulong noong 2011”, sinabi ng embahada sa isang statement. Ipinapaliwanag nito na ang embahada ay nagbibigay tulong sa babae upang magawang tiyak man lang ang termino ng sentensiya nito.

Ang nag-iisang Filipina na kasalukuyang sinentensiyahan ng kamatayan sa Indonesia ay si Mary Jane Veloso, na inaresto dahil sa pagdadala ng 2.6 na kilo ng heroin sa Yogyakarta airport noong 2010.

Nakikiusap ang gobiyerno ng Pilipinas sa gobiyerno ng Indonesia na i-recosinder ang death penalty ni Veloso sa pag-asang makatatanggap siya ng mas magaan na sentensiya kung mapapatunayan sa patuloy na paglilitis sa isang korte sa Manila na naging biktima si Veloso ng human trafficking.

Original: Government denies second Filipina on death row in Indonesia