Nag-viral ang video na nagpapakita ng python na may habang 12 feet at ang isang pusa sa isang bahay sa Nonthaburi, Thailand. Noong September 18, nagising ang may-ari ng bahay nang matagpuan niyang dinudurog na ng isang python ang kaniyang alagang pusa, at sinusubukan na itong kainin, inulat ng Daily Mail.

Tumawag ang amo ni Mi Mi, ang alagang pusa ng pamilya, ng emergency services at isang manghuhuli ng ahas ang agad na dumating.

Ipinakita sa video na sinusubukang isubo ng ahas ang pusa bago pa dumating ang eksperto sa ahas. Sinabi ni Virooj Boonthai, isang humahawak ng mga ahas, na patay na ang pusa nang matagpuan ng may-ari ng bahay ang ahas sa kaniyang bakuran.

Dagdag pa ni Boonthai na wala na ring magagawa ang pamilya upang pigilan ito dahil pare-pareho silang natakot sa ahas at walang mga tamang kagamitan upang masagip si Mi Mi.

Hinuli ang python at kinalaunan ay pinakawalan rin sa kagubatan.

Original: Giant python crushes and tries to eat cat in Thailand