Pormal nang ipinahayag ng mga konsulado ng Pilipinas at Indonesia sa gobyerno ng Hong Kong na gumawa na ng mga kaukulang aksyon laban sa mga loan sharks o mga nagpapautang ng napakalaking halaga, na tinatarget ang mga Filipino at Indonesian na mga domestic worker sa lungsod.

Sina Philippine Consul General Antonio A. Morales at Indonesian Consul Erwin Muhammad Akbar ay nakipagkita na sa Hong Kong Chief Secretary for Administration na si Matthew Cheung Kin-chung noong Miyerkules, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Ang magkasamang tawag ng mga konsulado ay dahil umano sa pagtaas ng bilang ng mga kasong mayroong kinalaman sa ilegal na mga nagpapautang na pinipilit ang mga domestic worker, na walang kaalaman ukol sa batas ng Hong Kong at financial pressure, na ibigay ang kanilang mga passport bilang prenda.

Napag-alamang mas ginugusto na ito ng mga migranteng mga manggagawa kumpara sa pagpunta sa mga opisyal na mga loan agency.

Simula pa noong 2016, nakakuha na ng higit sa 1,500 na mga passport na pagmamay-ari ng mga Filipino at mga Indonesian na mga domestic worker. Ang mga travel documents na ginawang prenda ay mga nakumpiska lamang mula sa tatlong mga loan shark na mga sindikito.

Tinanong ng dalawang konsulado sa Hong Kong kung posible bang ikonsiderang krimen ang “the act of demanding and withholding passports and labor contracts as loan collateral by illegal or unlicensed money lenders”, ayon sa isang statement.

Samantala, ang konsulado na nagtanong ukol sa posibilidad ng pagpapababa ng interest rate ng mga utang, itinalaga na sa 60%.

Tumawag rin sila para sa mga mas istriktong mga batas at mga regulasyon ukol sa pagpapautang at itaas pa ang criminal liability ng mga taong nagpapatakbo ng negosyong ilegal bilang mga loan sharks.

Original: Consulates ask Hong Kong to clamp down on loan sharks