Noong October 11, ang minister of labor and social development ng Saudi Arabia na si Ahmad bin Suleiman Al-Rajihi at ang minister of manpower and transmigration ng Indonesia na si Muhammad Hanif Dhakiri ay parehong pumirma na sa kasunduang palakasin pa ang relasyon ng dalawang bansa sa usapang trabaho ng mga domestic worker, iniulat ng The Saudi Gazette.

Noong May 2015, nagpataw ng total ban ang gobiyerno ng Indonesia sa pagpapadala ng mga domestic worker sa Saudi Arabia at sa iba pang mga bansa sa Gulf. Nagbigay daan ang kasunduan sa mga bagong mga Indones na mga domestic worker upang makarating ng Saudi Arabia sa pinakaunang pagkakataon matapos ng mahigit tatlong taon.

“Mayroong magandang relasyon ang Kingdom of Saudi Arabia sa Republic of Indonesia. Alinsunod rito, paninindigan namin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan upang mas mapaigting pa ang kaparehong mga interes ng dalawang bansa”, sabi ni Al-Rajihi.

Ayon pa kay Al-Rajihi na ang kasunduan ay magiging parte ng framework na may layuning protektahan ang mga karapatan at mas mapabuti pa ang relasyon ng mga amo at mga manggagawa na naaayon sa mga batas at mga regulasyon ng dalawang bansa, na naaayon rin sa mga kombensyon at mga kasunduang pandaigdigan.

Simula pa noong 2014, mayroon nang 1.5 milyong mga Indones na mga domestic worker sa Saudi Arabia. Ang karamihan sa 1.8 milyong mga domestic worker na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay mga Indones at mga Filipino.

Original: Indonesia re-allows domestic workers to work in Saudi Arabia