Ang 57-anyos na Filipinong domestic worker na inaresto dahil sa pagkakaroon ng Viagra nang walang reseta ng doktor ay sinampahan ng isang taong probation ng Eastern Magistrate’s Court.

Ang Filipino, na naninirahan at nagtatrabaho na sa Hong Kong ng 28 taon, ay sinampahan ng reklamo ng one count of violation of Hong Kong’s Pharmacy and Poison Ordinance matapos siyang maaresto ng mga pulis noong Hunyo sa Queen’s Road Central sa Hong Kong Island, iniulat ng hongkongnews.com.hk noong Martes.

Nahuli ng pulis ang suspek na mayroong dalang “isang foil pack na naglalaman ng isang tablet ng sildenafil”, ang generic name ng Viagra, nang walang reseta ng doktor.

Inamin ng suspek na binili niya ang tablet “matagal na panahon na ang nakalilipas” sa isang botika, ngunit hindi na niya maalala ang pangalan nito.

Ikinonsidera ang malinis na record ng naakusa, ini-order ni Magistrate Peter Law na bibigyan na lamang siya ng probation dahil sa kaniyang mabuting asal, at pinagmulta ng HK$1,000 (PHP6,860).

Ang ibig sabihin lamang nito na hangga’t hindi naman siya gumawa ng kahit anong paglabag sa batas sa loob ng isang taon, hindi siya magkakaroon ng criminal record.

Sa ilalim ng Pharmacy and Poisons Ordinance, nakalista ang sildenafil sa “Part 1 poison” na dapat munang mayroong reseta ng doktor o kaya naman ay nabili sa “mga botikang nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang rehistradong pharmacist (at) may reseta ng doktor”.

Ang ilegal na pagbebenta o pagmamay-ari ng nasabing droga ay maikokonsiderang mga criminal offence na maaaring humarap ang may sala ng pagmumulta ng HK$100,000 at pagkakakulong ng dalawang taon.

Hindi na nabanggit ng report kung kailan mangyayari ang paglilitis.

Original: Single Viagra tablet sees domestic worker bound over