Higit sa 200 mga Filipinong mga nurse, na nagsampa ng kasong human trafficking laban sa isang home group, ay kinilala na ang kanilang kaso na bilang isang class action suit ng isang United States federal judge sa New York.

Ang mga Filipinong mga nurse na ni-recruit ng Sentosa Nursing Recruitment Agency sa Pilipinas at tinanggap sa kanilang mga trabaho sa US mula pa noong December 23, 2008, ay magiging parte ng isang class suit laban sa nursing home, iniulat ng GMA News.

Ginawa na ang desisyon matapos na akusahan ng Filipinong nurse na si Rosa Ann Paguirigan ang Sentosa Care nursing home group ng pagbabanta sa kanilang pagtrabahuhin sa mas mabababang sweldo.

Noong 2015, pumirma si Paguirigan ng tatlong taong kontrata upang magtrabaho para sa Golden Gate Rehabilitation and Health Care Center sa Staten Island at pinangakuan ng US$29 kada oras (PHP1572). Ngunit, bilang kondisiyon ng pagtanggap sa kaniya, kinakailangan niya umanong magbayad ng US$25,000 na multa kung sakaling siya’y umalis ng kumpanya sa una niyang taon. Ang multa ay upang mabawi umano ng kumpanya ang kanilang mga ginastos nang ni-recruit nila ang nurse.

Sa US, ang mga among natanggap ng mga banyagang mga nurse sa pamamagitan ng mga employment-based na mga visa ay kinakailangang bayaran ang mga nurse ng kanilang mga prevailing wage upang maprotektahan sila sa mga pang-aabuso at masiguradong ang mga banyagang mga manggagawa ay hindi magamit upang ibaba ang mga sinasahod naman ng mga Amerikanong mga manggagawa.

Original: Filipino nurses’ US case certified as class action suit