Inaresto ang isang lalaki matapos matagpuang patay ang 14-anyos na batang babaeng Filipino malapit sa kanilang bahay sa Alaminos City, Pangasinan sa Pilipinas.

Noong Sabado, umalis ng kanilang bahay si Hazel Pedroso upang bumili ng gamot para sa kaniyang ina, ngunit hindi na ito nakabalik pa. Kinabukasan, natagpuan ang kaniyang bangkay sa isang madamong lugar, 300 metro mula sa kanilang bahay, na may kasamang pakete ng gamot sa kaniyang tabi, iniulat ng GMA News.

Napansin ng mga pulis na may pasa si Pedroso sa kaniyang ulo at sa kaniyang leeg, at sinususpetsahang siya’y sinakal hanggang siya’y mamatay. Dahil walang nakitang pambabang pangloob sa eksena, tinitingnan na rin nila ang anggulong baka siya’y pinagsamantalahan rin.

Sinabi ni Police Senior Superintendent Kirby John Kraft, ang Laguna police director, na inaresto ang 43-anyos na lalaki at sasampahan ng kasong homicide at rape.

Original: Man arrested after girl found dead in the Philippines