Inaresto ang isang Tsino sa pambubugbog sa kaniyang Filipinang ka-live in sa kanilang apartment sa Pasay City, Pilipinas.

Alas-5 ng umaga ng Miyerkules sa Oceanaire Condominium, nahuli si Jingren Dai, 35-anyos, ng mga security guard ng gusali matapos magsumbong ng kaniyang ka-live in na si Menaiko Daicosta, 22-anyos, na siya ay inatake, iniulat ng Philippine Star.

Napigilan ng mga security guard si Dai at dumating ang mga pulis sa apartment upang siya ay arestuhin. Ayon sa pahayag ni Otani sa mga pulis, inatake siya ni Dai dahil sa selos. Nagtamo siya ‘di umano ng mga sugat sa kaniyang mukha at ulo.

Isinugod si Otani sa Pasay City General Hospital upang magpagaling ng kaniyang mga sugat, samantalang si Dai naman ay dinala sa Pasay pulis. Ayon sa mga pulis, binugbog ‘di umano ni Dai si Otani matapos akusahin ito na nakikipagrelasyon sa ibang lalaki.

Sasampahan ng kaso si Dai sa paglabag sa Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act, at maaaring humarap sa pagkakakulong o kaya naman ay pagmumultahin ng PHP100,000.

Original: Man arrested for beating up partner in Philippines