Arestado ang Filipinong ginahasa umano ang kaniyang anak na babae noong 2015 sa Binondo, Manila sa Pilipinas.

Noong 2015, ginahasa umano ni Leonardo Catalan ang kaniyang 13-anyos na anak na babae na kinilala na lamang na Girlie sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Pasig City. Matapos ang insidente, umalis si Catalan at lumuwas patungong Manila, iniulat ng The Manila Times.

Noong Huwebes ng gabi, inaresto si Catalan, ngayo’y 54-anyos na, ng Eastern Police District mobile force battalion intelligence operatives sa Binondo, Manila. Isinampa na ang isang arrest warrant ng Pasig Regional Trial Court sa qualified rape.

Pansamantalang inilagay ang babae sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development at kinalaunan ay ibinigay na rin sa kaniyang ina, na isang OFW sa Lebanon. Umuwi ang ina ng bata sa Pilipinas matapos niyang mapag-alaman ang insidente.

Sa Pilipinas, ang isang convicted rapist, kapag ang biktma ay mas mababa sa 18-anyos/o ang anak ng suspek, ay maaaring humarap sa death penalty.

Original: Man arrested for alleged rape of his daughter in 2015