Nakulong ang lalaking Emirati ng isang taon at pinagmulta sa pagtatangkang gahasain ang isang Filipina sa kaniyang residensiya sa Al Rashidiya sa Dubai.

Noong Enero, nakipagkita ang 46-anyos na lalaking Emirati sa isang Filipinang accountant, 26-anyos, na naga-apply para sa isang trabaho sa tourism company ng lalaki. Sinundo ng lalaki ang babae at iniikot sa Burj Khalifa kung saan sinabi niyang nakabase ang kaniyang kumpanya, iniulat ng Gulf News.

Dinala ng lalaki ang babae sa kaniyang villa sa Al Rashidiya at sinabi sa kaniya na naghihintay pa sila ng iba pang mga empleyado upang dalhin sila sa company-provided na residensiya. Pagpasok nila ng villa, sinimulang hipuan na ng lalaki ang babae.

Pinilit ng lalaki na tanggalin ng babae ang mga damit nito at pinagtangkaang gahasain ito, ngunit hindi ito nagtagumpay. Sinimulan na rin niyang bugbugin ito at pinilit niya itong gumawa ng mga gawaing sekswal. Sinubukan ng Filipinang tumawag ng mga pulis, ngunit siya’y mas binugbog pa at pinagpapalo gamit ang isang patpat.

Nang sigawan siya ng Filipina, hinayaan niyang umalis ito ng silid. Lumayas ang Filipina at tumawag ng mga pulis at ipinaaresto ang lalaki.

Nasampahan ng kaso ang lalaki sa Dubai Court of First Instance, ng pag-atake sa babae at sa panunubok nitong gahasain ito. Binigyan ang lalaking Emirati ng isang taong pagkakakulong at ipinagmulta ng 21,000 dirhams (PHP307,000) sa panandaliang compensation sa babae.

Original: Man jailed one year for trying to rape Filipina jobseeker