Sinampahan ng reklamo ang lalaking Afrikano sa Dubai ng pagpapanggap bilang isang pulis at sa pagtatangkang kidnapin ang isang Filipina.

Noong Enero, nagpanggap ang 30-anyos na lalaki bilang isang pulis habang nagmamaneho sa Al Rashidiya. Pumarada ito nang makita niya ang Filipina, 24-anyos, na nagtatrabaho bilang isang supervisor sa Dubai, iniulat ng Khaleej Times.

Sinabi ng Filipina na naghihintay siya para sa isang kaibigan nang pumarada ang lalaki sa harap niya at nilapitan siya. Sinabi niyang nais ng lalaking sumakay siya sa kotse nito at sinubukang pilitin siya paloob sa pamamagitan ng paghila sa kaniyang kanang braso.

Nagpumiglas ang Filipina at nagawang makatakas, ngunit sinundan siya ng lalaki nang maglakad siya patungo sa isang eskinita. Ipinakita ng lalaki ang kaniyang driver’s license at ipinaratang na iyon umano ang kaniyang opisyal na ID.

Ngunit nang sinubukang kunan ng litrato ng Filipina ang number plate nito, hinablot ng lalaki ang kaniyang cellphone at itinulak siya nito, na naging sanhi ng mga gasgas sa kaniyang kamay.

Noong oras ring iyon, dumating ang isang residente sa eskinita at umalis na ang lalaki sa eksena.

Ini-report ng Filipina ang insidente at inaresto na ang isang 30-anyos na lalaki.

Kinalaunan ay inamin rin ng lalaki, na mayroong Comoros Island na passport, na nakilala niya ang Filipina sa gabi ng insidente.

Maglilitis na ang Dubai Court of First Instance sa kaso sa November 15.

Original: Man charged for posing as cop and trying to kidnap Filipina