Nasagip ang isang batang lalaki ng kaniyang pamilya mula sa pag-atake ng python sa Queensland, Australia, noong nakaraang linggo. Ang kaniyang ina, na si Amanda Rutland, ay napabayaan ang kaniyang 22-buwang gulang na anak na lalaki na si Naish na mapuluputan ng python ang katawan nito noong October 13, iniulat ng The New Daily.

Nakikipaglaro ang lalaki sa kaniyang kapatid na babae na si Evie-Blue, 3-anyos, nang umatake ang ahas. Ayon kay Rutland, kausap niya sa telepono ang kaniyang ina nang mapuna niyang tumatakbo si Evie-Blue mula kay Naish. Sa kaniyang pagkabigla, pinupuluputan na ng ahas ang bata at kinakagat na ang mataas na bahagi ng kaniyang braso.

Sinubukang tanggalin ni Rutland ang reptile mula sa kaniyang anak, ngunit masyado itong malakas para sa kaniya. Ayon sa kaniya, kasing laki ng kaniyang kamao ang ulo ng python. Tinawag niya ang kaniyang ama na si Roland, at pinagtulungan nilang tanggalin ang ahas.

Pinisil ni Roland ang ulo ng ahas ng mga 15 segundo na wala rin masyadong nagawa, kaya naman ay kumuha siya ng kutsilyo at sinaksak ang ahas sa spine nito nang apat hanggang limang beses bago ito kumawala. Sinabi ni Amanda na wala silang intensyong patayin ang hayop, ngunit wala nang iba pang paraan upang matanggal ang ahas sa kaniyang anak. Napag-alamang pinugutan ng ulo ni Ronald ang ahas upang mapigilan itong puluputan siya.

Nagtamo ng tatlong kagat si Naish sa kaniyang braso, at isinugod sa Cairns hospital. Tuluyan na itong gumaling.

Hindi makamandag ang mga python at kalimitan ay mahiyain at ginagawang mga alagang hayop. Ngunit, maaari silang umatake kapag naramdaman nilang pinagbabantaan ang kanilang buhay.

Original: Man rescues 22-month-old grandson from python attack