Dinala sa korte ng Dubai ang lalaking Pakistani matapos umanong pasukin ang kwarto ng Filipina at minolestiya ito habang ito’y natutulog.

Ayon sa 26-anyos na waitress, siya’y natutulog ng mga hating gabi sa kaniyang company-provided na tinutuluyan, na pinagsasaluhan ng lima pa niyang kasamang babae, nang pasukin ng lalaking Pakistani ang kanilang kwarto at hipuan siya nito sa kaniyang bandang suso, iniulat ng The Filipino Times.

Nang siya’y magising, ang lalaki, na tila nakainom ng alak, ay biglang tumakbo palabas ng kanilang kwarto. Ginising niya ang kaniyang mga kasama sa kwarto at tiningnan nila ang security footage ng hallway na malapit sa kanilang kwarto.

Nakilala nila ang suspek at nagsampa ng reklamo ang Filipina sa Al Qusais police station, na nagpaliwanag na maaaring kaya nakapasok ang lalaki sa loob ng kanilang silid ay dahil nakalimutan nitong ikandado ang kanilang pinto.

Sa Dubai Court of First Instance, sinampahan ng trespassing ang akusado, molestation, at pag-inom ng alak nang walang lisensya. Iniadjourn na ang paglilitis sa October 24, at nananatili ang lalaki sa kustodiya.

Original: Man charged for trespassing, molesting Filipina in Dubai