Inaresto ang lalaking Arabiano dahil sa pagtatangka umanong gahasain ang kaniyang masahista sa kaniyang kwarto sa hotel sa Makati City sa Pilipinas.

Noong Martes ng gabi, si Almutairi Muteb Ateeo Allah, 44-anyos, isang turistang nananatili sa St. Giles Hotel, ay nag-hire ng isang Filipina para sa isang massage session sa loob ng kaniyang kwarto, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.

Ayon sa Southern Police District, labis na nag-iinom si Allah at tinanong ang masahista ng dalawa pang oras matapos ang pagmamasahe. Nang tumanggi ang masahista, hinubaran siya umano ng lalaki, at hinipuan habang ipinipilit na nito ang kaniyang katawan sa babae.

Nakatakas ang masahista sa kwarto ng lalaki, at nagpunta sa lobby ng hotel, kung saan sinundan siya ng lalaki at nag-iskandalo ito. Sinubukang pigilan ng security guard ang lalaki ngunit sinampal siya nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ang lalaking Arabiano sa Makati City Police at haharap sa mga reklamong attempted rape, physical injury, alarm, scandal at resisting arrest.

Original: Saudi man held for attempted rape in Manila hotel