Kamakailan lamang ay nagdonate ang isang retiradong Indian na manlalaro ng football ng isang monitor lizard sa isang wildlife department sa India. Idinonate ni Roko Angami ang lizard sa wildlife department sa Kohima, Nagaland, noong Lunes upang itaguyod ang wildlife conservation, iniulat ng Eastern Mirror.

Tinanggap ang lizard ng mga opisyales ng Blyth’s Tragopan Conservation & Breeding Center. Napag-alamang natagpuan ni Angami ang lizard sa kanilang bukirin sa Zhadima area.

Pinasalamatan ni local forest inspector na si Kiukhenshi S. Yimchunger si Angami, at sinabing ibibigay ang lizard sa Nagaland Zoological Park sa mga susunod na araw.

Ang lizard ay hindi ang unang hayop na idinonate ni Angami sa mga awtoridad. Noong mga unang buwan ngayong taon, nag-donate rin siya ng 8-feet na python na natagpuan niya sa kaniyang bukirin.

Original: Footballer donates monitor lizard to wildlife department