Nagbuo ng grupo ang apat na domestic worker na nais tapusin ang Oxfam Trailwalker hike sa may bandang 100km MacLehose Trail sa susunod na buwan upang makatulong makapag-angkat ng pondo para sa mga bansang third world.

Ayon kay Aleli, isang team leader na Filipina na sumali sa taonang palighasahan noong nakaraang taon, na inaasahan niyang mapapakita nilang ang mga domestic worker ay mayroong totoong passion, at kayang makakamit ng matataas na timpalak, iniulat ng news website na HK01.com.

Sinabi rin ni Aleli, na nakapagtrabaho na sa Hong Kong ng 15 taon, na ang pagbuo ng mga grupo ay hindi madali. Sa tulong ng mga kaibigan, nakatagpo na siya sa wakas ng tatlo pang taong nais sumama sa pagbuo ng kaniyang grupo.

Simula pa noong Agosto, ang team na tinatawag na “Maid of Heart and Sole”, ay iginugugol ang kanilang mga Linggo upang magsanay. Kasama na rito ang pagtakbo, physical training, at pag-akyat ng mga parte ng trail upang mas masanay sila sa rutang kanilang tatahakin.

Sinabi ng isang miyembro ng team na si Milkhatus, isang Indones na domestic worker na hindi pa nakakasali sa paligsahan, na noong una, siya’y nagaalala na baka hindi niya matapos ang 100km ruta.

Inamin niyang naging napakahirap ng training, ngunit nagbigay siya ng sarili niyang pagsisikap na gumising ng alas-6 ng umaga sa nakalipas na isang buwan upang tumakbo lamang ng isang oras.

Dahil sa pagbibigay ng lakas ng loob at suporta ng kaniyang mga teammate, unti unti niyang napabuti ang kaniyang fitness at nasimulan na niyang pantayan ang mga bilis ng mga ito. Siya na ngayon ay kampante nang matatapos ng kanilang team ang takbuhan sa loob ng 25 oras.

Sinabi rin ni Milkhatus na pinasasalamatan niya ang suporta ng kaniyang amo na nagbigay sa kaniya ng time off upang magsanay kada araw at nagbigay ng pera upang masuportahan ang kanilang team.

Ang Oxfam Trailwalker ay isang taonang fundraising na event upang makatulong sa mga mahihirap at sa mga proyektong emergency relief sa Asya at Africa. Kailangang bumuo ang mga sasali ng isang team na mayroong apat na miyembro at matapos ang 100km MacLehose Trail sa loob ng 48 oras. Simula pa noong 1986, mayroon nang mahigit sa 98,000 mga katao na ang mga nakilahok sa event, na nakaipon na ng mahigit sa HK$538 milyon (PHP3.7 bilyon) upang masuportahan ang Oxfam.

Original: Domestic workers to tackle 100km Trailwalker hike for charity