Patay ang dalawang Filipina matapos bumunggo ang kanilang sinasakyang kotse sa isang na nakaparadang truck sa Palmdale, California.

Noong 5am ng Sabado, si Erlinda Fernandez, 68-anyos, at si Rosario Agmata, 61-anyos, ay nagmamaneho sa Antelope Valley Freeway nang sila’y bumunggo sa isang nakaparadang truck sa isang construction zone, iniulat ng ABS-CBN News.

Ayon sa mga awtoridad, napag-alamang mabilis na nagpapatakbo ng sasakyan ang dalawang biktima bago sila bumunggo. Hindi ikinonsidera ang alak at droga sa insidente.

Noong Miyerkules, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa Los Angeles Sheriff’s Office ukol sa mga detalye ng banggaan.

“Nakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa mga pamilya ng dalawang Filipina na nasangkot sa banggaan sa Palmdale, California”, sinabi ng DFA sa isang pahayag.

Sinabi ni Consul General Adel Angelito Cruz na tutulungan ng Consulate ang mga pamilya ng mga biktima para sa kanilang mga kinakailangan.

Original: Filipinas killed in California car crash